UDJE

The Explorer

Gintong Alikabok

gold_dust_by_zy0rg-d5qi27t 
 Pagod na ang isipan subalit gising pa rin ang diwa, ako’y nagiisa sa damuhan at habang nakaupo’y nakatingala sa langit. Nakatitig sa mga bituing kumikindat sa aking mga mata. Kindat na animo’y huwag raw akong mawalan ng pag-asa. Sa kabilang banda, isang liwanag ng bilog na buwan ang buong liwanag na ngumingiti sa akin. Ngiting animo’y nagsasabing maraming pagkakataon sa mga maling gawi na dapat ituwid. Nabanggit ko na lamang sa aking sarili na buti pa silang nasa itaas sa kabila ng kadiliman ang tyaga nilang magbigay ng liwanag sa sanlibutan. Hindi sumusuko sa laban na kanilang hinaharap. Daanan man ng napakalakas na bagyo at makapal na ulapin, andyan pa rin sila hindi naglalaho.
 
  Sa isang banda’y bigla na lamang sumagi sa isip ko ang mga suliraning aking tinatahak. Pagtahak na animo’y isang talon sa kagubatan na walang humpay sa pagtigil at bagkos ay lalo pang ginaganahang bumuhos nang malakas pababa. Daming makalunod na problema ang umaatake sa aking kalagayan. Problema na hindi matapos tapos. Sadyang mababatid ko na lamang na normal na tao nga ako, nakasunod na sa akin ang pagpasan ng mabigat na krus. Sa laban ng buhay, di ako perpekto. May mga kahinaan din ako subalit kung sa paraang alam kong tama at ikasasaya ng iba, tulad ng mga bituin sa langit ibibgay ko ang liwanag sa iba. Subalit may salitang ‘kulang’ na hindi pa rin mapunan ang ninanais ng iba. Mahirap pero totoo. Dahilan upang ang dapat na magharing liwanag ay bagkos binubura ng unos na dumadaan.
 
  Sa tindi ng masayang ala-ala ng lahat ng aking gawi, nauuwi pa rin sa wala. Nauuhaw ako sa masayang pagtanggap sa akin ng iba pero di ko alam kung paano ko ipaparamdam? Hindi ko alam kung paanong magiging ginto ang isang alikabok na walang silbi sa sanlibutan. Gumagawa ako ng alam kong paraan sa maliit man o sa malaki pero nabubulagan pa rin ang iba ng pagiging di pagkuntento sa lahat. Lahat kulang, ginagawa ko lahat pero ayun nga..kulang pa rin. Kaya ang resulta di pagkakaintindihan at malawakang lamat sa masayang kalagayan. Ang unos nga naman, mapagbiro. Sa gitna ng mapayapang sanlibutan, liwanag ng mga bituin at buwan ang kumakalat. Preskong hangin ang naglalakad sa kapaligiran ng katahimikan. Subalit sa isang unos lang, magugulo lang ang lahat na dati’y payapa.
 
  Sana nga maging bituin na lang ako, maliit man sa paningin may liwanag pa rin. Maliit man sa paningin pero may malaking tyaga at di sumusuko sa laban. Maliit man sa paningin, habangbuhay namang nakaukit sa itaas. Itaas na magsisilbing inspirasyon sa iba upang tingalain at mangarap. Malayo man abot pa rin ang tulong liwanag para sa iba. Parang katiting na alikabok sa sanlibutan na animo’y ginto ang halaga.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Information

This entry was posted on July 6, 2011 by in life and tagged , .
%d bloggers like this: